• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects huli sa P292K shabu sa Caloocan, Valenzuela

TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Zaldy Legaspi alyas “Bulingit”, 22, kaya’t isinailalim siya sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RFMB-NCRPO ang buy bust operation sa PNR Dorm, Brgy. 5 dakong alas-6:40 ng gabi kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Legaspi ng P10,000 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ni Legaspi ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Carlito Dela Cruz alyas “Itong”, 31, na nakuhanan din ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000.00 at marked money na isang P1,000 bill at siyam P1,000 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, nadamba ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Bagong Sibol Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa dakong alas-10:20 gabi sina Albert De Lemaalyas “Boychie”, 29 at Edgar Facundo,35.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 13 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, P500 marked money, P200 bills, coin purse at cellphone. (Richard Mesa)

Other News
  • 200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS

    Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.     Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes.     Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]

  • E-Commerce bill, hiniling ng DTI sa Senado na aprubahan

    HINILING ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na aprubahan ang pagpapasa upang maging ganap na batas ang  Internet Transactions Act.     Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco  na ang Internet Transactions Act, o  E-Commerce law, ay isa sa mga priority legislative agenda ng administrasyong Marcos.     “We’d like […]

  • Fake news hinggil sa nationwide lockdown sa darating na Dec 23 hanggang Jan 3, galing sa kalaban- Malakanyang

    NANINIWALA  ang Malakanyang  na galing sa  kalaban ng gobyerno ang kumalat na balita hinggil sa sinasabing ikinakasang lockdown sa buong bansa sa darating na  Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na malinaw na target ng mga nasa likod ng fake news ang galitin ang taumbayan. […]