• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan

Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. ng buy-bust operation sa No. 194 Heroes Del 96 Brgy. 74 Zone 7 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jesy Boy Cruz, 38, Prince Kevin Esteve, 25, at Marlon Yuki, 36, pawang dating nakulong dahil sa ilegal na droga at nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 70 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P476,000 ang hahalaga, marked money, cellphone, digital weighing scale, P900 drug money at ilang drug paraphernalias.

 

 

Nang tanungin ng mga operatiba ang mga suspek kung sino ang kanilang source ng ilegal na droga ay nakipagtulungan naman ang mga ito at inginuso si alyas Jeff na kanilang Boss at source ng illegal na drugs.

 

 

Kaagad nagsagawa ng follow-up buy bust operation ang mga operatiba ng DDEU sa 28 Guido 4 Brgy. 33 District 2 Zone 3 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffrey Madera, 40, tricycle drive, matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska kay Madera ang nasa 110 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P748,000 ang halaga, marked money, digital weighing scale at cellphone.

 

 

Ayon kay P/Capt. Aquiatan, si Madera ang top one drug personality ng NCRPO at siya umano ang matunog na nagbebenta at nagde-deliver ng ilegal na droga sa area ng Camanava. (Richard Mesa)

Other News
  • CBCP, ikinatuwa ang pag-OK ng IATF sa dagdag na pwedeng dumalo sa misa

    Patuloy pa rin ang panawagan ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols kapag dumadalo sa mga misa.     Ito ay kahit na ginawang 50 percent na ng gobyerno ang kapasidad ng mga dadalo sa bawat misa simula Pebrero 15.     Sinabi […]

  • Mayor Jeannie, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Malabon

    NAGBIGAY ng tulong si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa 56 indibidwal o 15 pamilya na lubos na nasira ang mga tahanan sa naganap na sunog sa Flovi Homes, Phase 6, Letre, Barangay Tonsuya noong Linggo. “Tuwing sumasapit ang bagong taon, may mga pagkakataong hindi naiiwasan ang ganitong mga insidente. Kaya nararapat lang po na […]

  • Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

    Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.     Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at […]