4 drug suspects timbog sa P210K shabu sa Valenzuela
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
APAT na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr ng buy bust operation sa harap ng No. 6136 Calle Onse , Reverside, Brgy. Gen T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Roberto Asis alyas “Bebot”, 39.
Nasamsam kay Asis ang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P108,800.00 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 4 na pirasong P1,000 boodle money, smart phone at pouch.
Dakong alas-11:45 naman ng gabi nang masakote din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Sugar St. Llenado Subdivision, Brgy., Karuhatan, si Elmer Sarmiento, alyas “Topak”, 35, at Joseph Ray Sto. Domingo, alyas “Jorey”, 25 matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000.00 ang halaga, buy bust money, P690 cash, cellphone, sling bag at motorsiklo.
Samantala, ayon naman kay PSSg Ana Liza Antonio, timbog din si Renato Makiling, 37, matapos makuhanan ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, P300 cash, cellphone at coin purse makaraang respondehan ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Gabby Migano ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa Santolan Service Rd. Brgy. Gen. T. De Leon dakong alas-9 ng gabi. (Richard Mesa)
-
‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT
SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tourism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’. Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT […]
-
Ads December 11, 2024
-
ANNE, agad na pinakalma ang nag-panic na Kapamilya fans; nag-pitch lang ng pelikula pero ‘di lilipat tulad ni BEA
NABULABOG at nag-panic ang solid Kapamilya fans nang lumabas photo na pakikipag-zoom meeting ni Anne Curtis-Smith sa executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, na halos kasabay ng pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network. Say ng isang netizen kay Anne, “please tell us na gma films lang […]