4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela
- Published on January 31, 2024
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.
Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta kaya agad inatasan ni SS4 Commander P/Cpt. Doddie Aguirre kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar.
Pagdating ng mga pulis sa lugar dakong alas-5:45 ng umaga, naaktuhan nila sina alyas “Renato”, 52, ng Brgy. Paladan, alyas “Marlon”, 50, at alyas “Marvin”, 39, kapwa ng Brgy. Malinta, na naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong peso coins na gamit bilang “Pangara”, tatlong P100 bills habang nakuha kay Renato ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.
Bandang alas-3 naman ng hapon, nagpapatrolya ang mga tauhan din ng SS4 sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama ang Barangay Ex-O na si Mark Guerreo ng Brgy. Malinta sa Pinalagad Street nang matiyempuhan nila si alyas “Tonio”, 38, ng Brgy. Malanday, na naninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nilapitan siya ni PSMS Santillan at nang hanapan ng kanyang identification para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay biglang tinapon ng suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu subalit, nakita ito ni Ex-O Guerrero na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sina Renato at Tonio habang paglabag naman sa Anti Gambling Law kakaharapin nina Marlon at Marvin. (Richard Mesa)
-
Ads April 13, 2024
-
PNP at DILG, nanindigan sa ‘pagkaka-aresto’ ni Quiboloy at hindi simpleng sumuko
PINANINDIGAN ni Department of Interior ang Local Government(DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang terminolohiyang ‘naaresto’ bilang mas akma sa tuluyang pagkakasa-kustodiya ng mga otoridad kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Una kasing sinabi ng kampo ng KOJC na hindi naaresto si Quiboloy, bagkus, kusa siyang sumuko sa mga otoridad. Pero giit ni Abalos, […]
-
Mataas na palitan ng piso vs dolyar, ramdam na ng mga OFW
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar. Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]