• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot, aprubado na ng FDA

APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA amendment ng 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot.

 

Sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo may “basbas” na para gamitin bilang 3rd dose o booster shot ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.

 

Kasama sa mga unang makakatanggap ng 3rd dose o booster shot ay ang mga medical health workers na sinisimulan na ngayong araw.

 

Susundan naman ito ng mga senior citizens at yung mga mayroong immunocompromised conditions at may mga comorbidities.

 

Aniya, may listahan ang Department of Health (DoH) kung sino sino ang bibigyan ng 3rd dose o booster shot.

 

Bibigyang prayoridad dito ang mga lugar na mataas na ang coverage ng pagbabakuna. (Daris Jose)

Other News
  • Marcos Jr. , ipagpapatuloy ang vlogging kahit pa Pangulo na ng bansa

    SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30.     Sa kanyang pinakabagong YouTube video, araw ng Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang […]

  • P5-B – P13-B halaga ng nasayang na COVID-19 vaccines nais paimbestigahan sa Senado

    NAIS ni Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang tinatayang P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno na hindi nagamit matapos mag-expire.     Kaugnay nito, naghain ng isang resolution si Sen. Risa Hontiveros para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y large-scale wastage ng mga bakuna kontra […]

  • Nakikita naman kay Luna na pwede ring mag-showbiz: JUDY ANN, ‘di pagbabawalan na ligawan si JOHAN basta pumunta lang ng bahay

    AMINADO ang Prime Superstar na si Judy Ann Santos na mas nahirapan daw siyang gawin ang ‘Espantaho’, na isa sa 10 entries sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25.     Na-realize kasi niya after gawin ang horror film, hindi lang comedy ang mahirap gawin para sa kanya.     […]