• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASABAT SA CLARK AIRPORT

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Airport  ang apat na kababaihan na Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpakita ng mga travel documents taliwas sa kanilang tunay na  edad.

 

 

 

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente ni  BI Travel Control and Enforcement Unit Officers Clarissa Bartolome at  Kristan Balanquit na ang apat na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws, ay tinangkang sumakay ng Qatar Airways flight patungong Doha upang magtrabaho bilang mga household service workers (HSWs).

 

 

 

Ang mga biktima na pawang nagmula sa Southern na bahagi ng bansa ay ipinasa sa primary inspection officers para sila ma-assess nang napunang hindi tugma ang kanilang mga salaysay.

 

 

 

“The officers noted that the four gave highly inconsistent statements about their age and were unable to provide basic details about themselves,”ayon kay Morente.

 

 

 

Ayon sa Kagawaran , ang minimum age na itinakda ng pamahalaan upang makapagtrabaho ang isang HSWs sa Middle East ay 24-anyos.

 

 

 

“Many trafficking victims are given fraudulently acquired documents to make them appear older than they really are for them to qualify to work abroad,” ayon Morente.  “These policies are in place to protect them from harm. This is a form of human trafficking, and their victims are often minors and underaged women,” dagdag pa nito.

 

 

 

Ang mga biktima ay inilipat sa Clark International Airport Inter-Agency Council Against Trafficking upang matulungang magsampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters. GENE ADSUARA

Other News
  • ANGELICA, nagpasalamat pa sa basher na apektado sa pag-iingay ng isang ‘starlet’ at ipinagtanggol ng netizens

    DAHIL sa nag-viral na naman ang video ni Angelica Panganiban na tungkol pa rin sa pagiging wais na pagboto sa paparating na May 2022 national elections, may isang basher na tinawag siyang ‘starlet’.     Nagbabala kasi ang Kapamilya actress sa mga botante ng, “Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.”   […]

  • Pinakabagong ‘hacking attempts” sa iba’t ibang gov’t website, “sophisticated”

    KINOKONSIDERA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na “sophisticated” ang pinakabagong hacking attempts sa iba’t ibang government websites na naka-link sa IP addresses ng China-backed telcofirms.     Inamin ni DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na ito’y mas “complicated” kaysa sa nagdaang hacking attempts na napigilan ng […]

  • Mass transit sagot sa malalang trapik

    SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na minamadali na ng pamahalaan ang paggawa ng mass transit system sa bansa para tugunan ang lumalalang problema sa trapiko sa bansa.     Ayon sa Pangulo, ang prayoridad nila ngayon ay mga imprastraktura kontra sa trapiko at ang tanging sagot dito ay mga mass transit system […]