4 NA INDIBIDWAL, INARESTO SA ANTI-KFR AT GUNRUNNING OPERATION
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikato na responsible sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga Chinese national.
Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang naaresto na Chinese national na sina Li Tao Tao at Huang Bao Jian na naaresto sa isang Chinese restaurant sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng 3 di lisensyadong baril na Glock 22 cal. 40, Glock 30 cal. 45 at Springfield XD-9 Subcompact 9mm; Marck Rovel De Ocampo alias Erick Isaytono de Ocampo na itinurong gun supplier.
Bunsod nito, isang follow up operation ang ginawa sa Aseana City sa Parañaque laban sa financier at leader ng crime group na parehong dayuhan.
Nabatid na nang ipag-utos ng operatibang NBI-IOD ang mga suspek na lumabas mula sa kanilang tinted na sasakyan, tumanggi ang mga ito at pinaharurot ang kanilang sasakyan.
Dahil dito, nagkaroon ng putukan kung saan nakatakas ang mga suspek. Nag-alarma naman ang mga operatiba sa PNP na arestuhin ang mga suspek kung makita ang kanilang sasakyan sa kanilang area of responsibility.
Hanggang sa nalaman ng NBI-IOD na ang nasabing sasakyan ay natagpuan sa isang parking area kung saan si Yu Jingdong, isang Chinese national ay isinugod sa ospital matapos na tamaan ng bala sa palitan ng putukan habang ang isang Sy Tuan Dat, isang Vietnamese ay natagpuang patay sa sasakyan.
Matatandaan din na noong February 15, 2022, si Yu JingDong ay inaresto sa Okada Hotel dahil sa illegal possession of firearms at ammunition at kinasuhan sa Parañaque Prosecutors Office.
Sa nasabi ring buwan, Mark Rovel de Ocampo alias Erick Isaytono De Ocampo ay kinasuhan ng Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 of the Revised Penal Code, R.A.8353 (Rape) at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2012 at Sec 261 ng BP 881 (Omnibus Election Code in relation to Comelec Resolution No.120728). (GENE ADSUARA )
-
Natitirang utang ng bansa umabot pa sa P12.76 trilyon
INIULAT ng Bureau of Treasury na umabot na sa P12.76 trilyon ang kabuuang natitirang utang ng national government sa pagtatapos ng Abril mula sa P12.68 trilyon noong nakaraang buwan. Nasa 0.7 porsyento o P83.40 bilyon ang total na mas mataas dahil sa net issuance ng government securities sa parehong lokal at external lenders […]
-
Lebron James, pinalawig ang kaniyang excused absence
Pinalawig pa ni Lakers star Lebron James ang kanyang excused absence. Pagkatapos ito ng hindi paglalaro sa unang game ng season noong nakaraang Linggo dahil sa sore foot at ngayon ay hindi rin maglalaro laban sa Memphis Grizzlies sa Crypto.com Arena, Los Angeles, California. Nababahala ang ilang miyembro ng Lakers […]
-
P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos
INULAN ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno. Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]