4 NA NAWAWALANG MANGINGISDA, NATAGPUAN NA
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
APAT sa siyam na mangingisdang nawawala ang natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/ retrieval operations.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang natagpuan mga bangkay ng mga mangingisda ng FB St .Peter The Fisherman II ay nakilalang sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda.
Magpapatuloy pa rin ang SAR operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina Boast Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental); Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental); Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo); Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental) at Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental)
September 24 nang lumubog ang fishing vessel sa karagatan sakop sa pagitan ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo. GENE ADSUARA
-
Bong Go: 2023 calamity funds dagdagan
SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang dagdagan ang national calamity fund para sa taong 2023 dahil sa mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ni Go na wala siyang tutol na dagdagan ang calamity funds sa pagsasabing tungkulin ng gobyerno na agad tulungan ang mga naapektuhan ng […]
-
Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour
Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour. Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic. Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]
-
Ads October 15, 2022