• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 pang siyudad target ng PBA

Puntirya ng pba na dalhin ang liga sa iba’t ibang siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR) gayundin sa ilang kalapit na probinsiya.

 

 

Sa Pasig City ang magsisilbing venue ng opening games ng PBA Season 46 Governors’ Cup ngunit plano ng PBA management na dayuhin ang apat pang cities.

 

 

Kinakausap na ng PBA ang local government units (LGU) ng Pasay City, Quezon City, San Juan City at Antipolo City para pagdausan ng mga PBA games.

 

 

Nasa mas maluwag na quarantine alert na ang NCR at mga kalapit na probinsiya kaya’t magandang pagkakataon ito para muling makabisita ang liga sa iba pang lugar.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na target ng liga na dalhin ang liga sa iba’t ibang lugar upang mabigyan ng pagkakataon na makapanood ang mga basketball fans sa oras na pahintulutan na ang live audience.

 

 

Nakaabang pa ang PBA sa approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung papayagan na ang live audience sa mga ve­nues lalo pa’t nakababa na sa Alert Level 2 ang NCR.

 

 

“We are hopeful for that,” ani Marcial.

 

 

Ilan sa mga posibleng pagdausan ng mga PBA games ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Mall of Asia Arena sa Pasay City, The Arena sa San Juan City at ang Ynares Sports Center sa Antipolo City.

 

 

Bilang panimula, aarangkada ang Governors’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City matapos aprubahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagdaraos ng mga laro doon.

 

 

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng imports, inaasahang ihahayag na ng PBA ang magiging official opening date ng Go­vernors’ Cup.

 

 

Nauna nang itinakda ng PBA na sa Nobyembre 28 ang plano nitong pagbubukas ng kumperensiya.

 

 

Samantala, Ynares din ang magiging venue ng kauna-unahang PBA 3×3 tournament na tatakbo mula Nobyembre 20 hanggang 21.

Other News
  • PBBM tiniyak ipagpatuloy ang pagbuo ng mga ‘highly interconnected road network

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon na bumuo ng mga highly interconnected road network na layong magpapadali sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Pinatitiyak din ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na tiyaking matapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon ng sa gayon mapakinabangan ito ng publiko. “So we […]

  • Panukalang ipagpaliban ang SSS contribution hike

    Lusot na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa SSS Contribution ngayong 2021.   Ginawang working bill ng naturang komite ang House Bill No. 8317 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco para sa gagawing substitute bill matapos isama rito ang iba pang mga kahalintulad na […]

  • 2 U-turn slots sa EDSA muling binuksan

    Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na udyokan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City.   Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng […]