• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 sports idinagdag sa Vietnam SEA Games

IKINATUWA ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagsama ng apat na karagdagang sports sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games.

 

Ilan kasi sa idinagdag na bagong sports ay ang Jiu jitsu, triathlon, bowling at esports.

 

Sinabi pa ni Tolentino na ang pagsama ng nasabing apat na sports ay mula sa kaniyang kahilingan.

 

Nakakuha kasi ang bansa ng kabuuang 11 na medalya noong 2019 SEA Games sa mga sports na Jiu jitsu, triathlon at esports.

 

Isasagawa ang 2021 SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

Other News
  • VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA

    NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.     Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng […]

  • Catholic E-Forum, inilunsad

    BILANG paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.     Inilunsad ang Catholic E-Forum kahapon, Pebrero 14,  2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.   […]

  • 4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

    APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.     Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng […]