• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu sina Allan Tremocha alyas “Allan Pakyu”, 50 at Edwina Moratalla, 46, kapwa ng Market 3, NFPC, Brgy. NBBN kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa Kaduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:19 ng madaling araw matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.54 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P44,472.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa No. 441 Bagong Nayon, Brgy., Bagbaguin dakong alas-5:45 ng madaling araw sina Rey Clarin, 52, pintor at Alex Devaras, 44, factory worker.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nakuha sa mga suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman nasa P32,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 marked money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Navotas at Valenzuela police sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon, maagap na mga estratehiya, at malakas na pakikipagtulungan sa komunidad para labanan ang iligal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Publiko pinag-iingat vs modus sa COVID-19 cash aid

    PINAG-IINGAT ni Philippine National Police Officer-in-Charge (OIC) Vicente Danao Jr., sa publiko ukol sa modus na kumukuha ng sensitibong impormasyon Mmula sa mga indibidwal kapalit ng “unclaimed” COVID-19 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Paalala ni  Danao sa  publiko na huwag agad ipagkatiwala ang mga sensitibong impormasyon ukol […]

  • PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG

    ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam.     Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam […]

  • Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito

    LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.     “Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive.     “Tuluy-tuloy na ito, at this […]