4 tulak timbog sa buy bust sa Malabon at Valenzuela
- Published on June 2, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang isang High Value Individual Regional Level na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa M. Bernardino St. Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Virgilio Silvano alyas “Butchok”, 29, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Narekober kay Silvano ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, buy bust money, P650 cash, cellphone at sling bag.
Dakong 1:15 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Dennis Calbayar, 36, matapos bentahan ng P8,000 halaga shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa kanyang bahay sa 6906 Balanti St. Brgy. Ugong.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakuha kay Calbayar ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 15 pirasong P500 boodle money, P390 cash, cellphone at leather pouch.
Samantala, nasakote din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni PLT Amadeo Tayag Jr, si Richard Segovia alyas “Poyong”, 44, (Pusher/ High Value Individual Regional Level) ng Bignay St. Brgy. Potrero at Ronald Arciaga, 36, tricycle driver ng Sito 6, Brgy. Catmon sa buy bust operation sa Industrial Road, Brgy. Potrero dakong alas-10 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P108,800 ang halaga at P500 buy bust money. (Richard Mesa)
-
Sylvester Stallone Made $51 Million For ‘The Expendables’ Movies
SYLVESTER Stallone, the mastermind behind The Expendables franchise, and it may surprise fans to know how much he was paid for producing the four films as well as starring in them as mercenary Barney Ross. Stallone reignited interest in the action movie stars of the ’80s and ’90s by getting actors like Arnold Schwarzenegger, […]
-
DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial
NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans. Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya. […]
-
Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi
Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022. Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta. […]