4 TULAK TIMBOG SA P646K SHABU SA CALOOCAN
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang company driver matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan city police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kontra kay Jenelito Abanes, 25, at Marieta Cañedo, 44 sa Riverside Libis Baesa, Brgy. 160.
Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 45 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P306,000.00 ang halaga at buy bust money.
Ala-1:10 naman ng madaling araw nang madakma din ng mga operatiba ng SDEU si Montgomery Dumapit Jr., 29 sa buy bust operation sa Lerio St. Brgy. 174 ng lungsod. Narekober sa kanya ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P204,000.00 ang halaga at P7,500 marked money.
Nauna rito, dakong 9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, kasama ng Sta Quiteria Police Sub-Station ng buy-bust operation sa Tullahan road, Brgy. 162 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gilbert Salazar alyas Boss, 38, company driver.
Nakumpiska sa kanya ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabuna tinatayang nasa P136,000.00 ang halaga at P7,500 buy-bust money. (Richard Mesa)
-
‘About Us But Not About Us’, tinanghal na Best Film: JULIA, CHARLIE, GLADYS, ENCHONG at PIOLO, waging-wagi sa ‘The 7th EDDYS’
ITINANGHAL na Best Actress sina Julia Montes at Charlie Dizon habang waging Best Actor si Piolo Pascual sa katatapos lang na The 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Nanalo si Julia para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at si Charlie […]
-
Graduation, recognition rites, hindi dapat gamitin bilang political forum
ANG PAGSASAGAWA ng End-of-School-Year (EOSY) rites ay dapat na maging malaya mula sa anumang electioneering at partisan political activity. Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering […]
-
Magpapainit ngayong Summer dahil sa sexy photos… JERIC, mas inspired ngayon sa career dahil kay RABIYA
AMINADO ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na sobrang ini-enjoy ni Elijah Alejo ang kanyang pagiging kontrabida nito sa kanila. Kahit na raw tatlo sila na pinagtutulungan ang character ni Elijah na si Brianna, kayang-kaya raw sila nito at all-out daw kung magkontrabida ito […]