• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory

Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

 

 

Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 taon ng pagpanaw ni dating Pangulong “Cory” Aquino.

 

 

Tulad nang unang naiulat, virtual o sa pamamagitan lamang ng online isinagawa ang misa sa iba’t ibang dako ng mundo sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Matapos ang misa, maiksing mensahe ng pasasalamat ang ipinaabot ni Vice President Leni Robredo para sa naging kontribusyon bilang pang-15 pangulo ng bansa.

 

 

Inilarawan nito si Noynoy bilang “simple, disente, masipag, at makatwiran.”

 

 

“We say goodbye to Noy, but history will never. History will remember his bravery against China, the infrastructure he imagined, the economy he built, the international relationships he fostered, the bills he signed into law against all odds, his indifference to personal attacks. His presidency was a part of the Filipinos’ story, and proof again that we as a nation can overcome anything,” wika naman ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

Nitong June 24 nang sumakabilang-buhay si P-Noy dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

 

 

Habang ang kanyang ina naman ay binawian ng buhay sa edad na 76 noong 2009 dahil sa colon cancer.

Other News
  • Tanggap na na talaga ng pamilya ang kanilang relasyon: RUFFA, kasamang nag-Christmas si HERBERT

    KASAMANG nag-Christmas si senatorial candidate Herbert Baustista ang rumored girlfriend niya na si Ruffa Gutierrez at ang buong pamilya nito.   Sa TikTok video nga na pinost ng aktres, na nag-exchange gift ang kanyang pamilya at makikitang na magkausap sina Herbert at Ramon Christopher Gutierrez.   Sa last part ng video, kita rin na tinawag […]

  • JADE RICCIO, proud sa celebrity students tulad nina MICHELLE, RHIAN, MAYMAY, ATASHA at ZIA

    INIIMBITAHAN ng Riccio Music & Artistry (RMA) Studio Academy ang lahat na maging bisita nila sa kanilang annual musical recital concert sa Disyembre 1, 2024, ika-6 nang gabi sa The Podium Hall.   Sa temang, “Be Our Guest”, titipunin ng konsiyerto na ito ang mga mag-aaral, pamilya, celebrity, at iba pang A-lister na bisita ng […]

  • Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

    PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.     Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.     Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]