400k manggagawa sa turismo, nakatanggap ng tulong mula sa DOLE
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng Department of Labor and Employment ang aplikasyon ng aabot sa 400,000 manggagawa sa sektor ng turismo upang mabigyan ng tig-lilimang libong piso (P5,000) na tulong pinansyal mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Hanggang Abril 11, umabot na sa 370,434 manggagawa mula sa 14,301 na establisimentong panturismo, organisasyon at asosasyon sa buong bansa, at 13,123 na nag aplay nang personal, ang benepisyaryo ng naturang programa ng DOLE.
Sa nasabing tulong, P1.2 bilyong piso rito ang naipadala sa pamamagitan ng mga payment center habang ang natitirang P719.2 milyon ay nakatakda nang ipamahagi.
Sa isang virtual ceremony nitong Lunes, pinangunahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang awarding ng tulong para sa mga napiling benepisyaryo mula sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Hinikayat ni Bello ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya lalo’t higit ang mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, kabilang ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mag-aplay para sa tulong pinansyal na magkatuwang na ipinatutupad ng DOLE at DOT.
Samantala, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na sa unang linggo ng pagpapatupad ng ECQ ay nakapamahagi na ng tulong ang kagawaran sa 8,000 manggagawa sa sektor ng turismo, sa ilalim ng programang CAMP.
“Hindi tayo magsasawang tumulong sa kabila ng mga hadlang na dala ng pandemya. Sa mga susunod na buwan, kasabay ng pagbuhay sa ekonomiya, umaasa tayong manunumbalik sa dati nitong sigla ang sektor ng turismo sa bansa,” wika ni Bello, kasabay ng pagtitiyak nitong patuloy na tutulong ang DOLE at DOT sa mga manggagawa sa sektor ng turismo.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Philippine Association for Licensed Massage Therapists Inc., World Photo Journeys Travel and Tours, 1 Aviation Ground Handling Services Corporation, Hotel Kimberly Manila, Okada Manila Hotel, Great Sights Travel and Tours Corporation, Hop Inn Ermita, Link-World Travel and Tours, Canadian Travel and Tour Corporation, at PLDOZE Travel and Tours sa National Capital Region.
Sa Central Luzon, ang mga benepisyaryo ay nagmula sa Baliuag Buntal Handicrafts Manufacturing, Hilot Kamay One Guiguinteño, San Francisco TODA, Sta. Ana Bulakan TODA, Sto. Rosario Tibig TODA, Zesto Tricycle Operations and Drivers Association Inc., Triple Junction Subdivision TODA, Marilao Poblacion 2 Tricycle Operators and Drivers Association, at sa Gitda-08 Daungan TODA.
Habang ang mga benepisyaryo ng CAMP sa CALABARZON ay mula sa Bag of Beans Café and Restaurant, Inc.; Lantic Carmona Estates, Cedar, Manila Jockey TODA; Public Utility Jeepney Association of Carmona, Inc.; Maduya-PNCC-Golden Mile Tricycle Operators and Drivers Association Inc.; Carmona Public Market Calabuso TODA, Tour Guide and Recreation Association, Inc.; Samahang Nagkakaisa para sa Kaunlaran ng Myseoul Tiangge; Samahan ng Manininda, Mananahi at mga Tauhan sa Bagpi Taytay; Taytay’s Fashion Group; Antipolo Group Inc.; United Boatmen Association; Maria Makiling Frontliners Association Inc.; Costales Nature Farms, Inc.; Bukal Local Guide Association at Lumban Embroidery Association Multipurpose Cooperative.
Upang makapag-aplay para sa tulong, ang mga establisimyento, asosasyon, organisasyon, at indibidwal ay dapat na magsumite ng mga documentary requirement sa DOT Regional Office para sa inisyal na pagsusuri. Pagkatapos ng beripikasyon, bibigyang direktiba ng mga DOT Regional Office ang mga aplikante upang isumite ang kanilang aplikasyon at kaukulang dokumento online https://reports.dole.gov.ph/.
-
123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate
PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate. Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw. Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang […]
-
LGUs, national agencies naka- ‘high alert’ para kay Leon
NAKA-HIGH ALERT ang mga kinauukulang national at local government units kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghanda para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Leon. Sinabi ng Presidential Communication Office (PCO), araw ng Huwebes na kinumpirma na ni Batanes Governor Marilou Cayco na isinasagawa na ang ‘evacuation efforts’ para sa mga […]
-
Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift
PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din. Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn. Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]