41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro.
Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million.
Kung maalala sa halos buong NBA career ay iniukol ito ni Haslem sa Miami.
Gayunman sa nakalipas na anim na season, dalawang games lamang siya na pinalaro bilang starter.
At noong nakaraang season, isang beses lamang siyang nakalaro na tumagal lamang ng tatlong minuto at na-eject pa siya.
Sinasabing mahalaga umano ang ginagampanang papel ni Haslem na tulad ng isang coach at nagbibigay ng inspirasyon sa mga players.
Ang 2021-22 NBA season ang siyang magiging 19th season ni Haslem sa Heat.
Inabot na rin siya noon sa pagiging bahagi ng tatlong NBA championships.
-
Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya
ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior. Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill 4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o […]
-
‘WPS’ (the series), napapanood na sa iba’t ibang platforms: RANNIE, hinahagisan pa rin ng panty ‘pag nagso-show
NAGSIMULA nang mapanood ang “WPS” (West Philippine Sea) na TV, Radio and Online series sa Viva One, DZRH Television and DZRH Radio. Ang ‘WPS’ ay kuwento ng pag-asa, katatagan at pagkakaisa. Sinasaliksik nito ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang kahalagahan ng pagkakaisa, at ang di-natitinag na diwa ng isang bansang determinadong ipaglaban ang taglay nitong […]
-
National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak
HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa. Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric […]