42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon.
Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng boto sa Partylist system at nabigong makakuha ng puwesto sa nakalipas na dalawang halalan ang 31 grupo o organisasyon .
Kabilang sa mga grupong ito ang 1-CARE o 1st Consumers Alliance for Rural Energy Inc, Butil Farmers Party, PLM o Partido Lakas ng Masa, NACTODAP o National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Phils, PDDS o Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan at PRAI o Phil National Police Retirees Inc.
Hinihiling naman ng Office of the Secretary to the Commission sa pamunuan ng COMELEC na mailathala ang resolusyon sa mga pahayagan at comelec website. GENE ADSUARA
-
Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas
TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City. Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer […]
-
Pinoy jins hahataw sa Vietnam
NAKATAKDANG umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Federation) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam. Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae. Magsisilbing delegation head […]
-
PTFOMS, tinukoy ang 100% media violence resolution sa ilalim ni PBBM
BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag. Tinukoy ang 100% na case resolution ng karahasan laban sa mga […]