• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO

NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.

 

 

Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon dala na rin sa importansiya nang pagiging heritage site nito.

 

 

Ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Chairman ng House Committee on Creative Industry & Performing Arts, may mga ulat na walang anumang uri ng fire suppression system o water sprinklers ang MCPO building.

 

 

“It took about 30 hours to declare fire out. Apparently, this may have been a disaster waiting to happen. We will certainly take a close look to ascertain the real timeline of events during the fire and the building maintenance and security logs,” ani De Venecia.

 

 

Nais din aniya nilang malaman kung ano pang mga lumang gusali ng gobyerno ang walang fire suppression systems, lalo na yaong bahagi na ng kasaysayan ng bansa kabilang na ang National Museum, Cultural Center of the Philippines, National Library, at University of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano

    NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila.   “We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by […]

  • JELSON BAY AND SUE RAMIREZ, THE NEWEST PAIR ON NETFLIX! TO LOOK OUT

    THE new Filipino movie, Finding Agnes is now headlining on Netflix.   Starring Jelson Bay of Ang Pangarap Kong Holdap and Sue Ramirez (female lead of films such as Cuddle Weather, Dead Kids, & The Girl Allergic to Wifi.)   The movie follows the story of the successful businessman Brix, who was left behind by […]

  • ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

    INAANYAYAHAN ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024.   Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan […]