44 bagong ruta sa MM, binuksan
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBUKAS ng karagdagang 44 ruta ng tradisyunal na jeepney ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).
Pinayagan din ng LTFRB ang karagdagang 4,820 jeep na pumasada sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-058.
Dahil dito, umabot na sa 27,016 traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro Manila simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).
Samantala, narito ang bilang ng mga ruta at PUV na bumibiyahe sa Metro Manila simula Hunyo 1, 2020:
1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 302
No. of authorized units: 27,016
2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
No. of routes opened: 48
No. of authorized units: 845
3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes: 34
No. of authorized units: 4,016
4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
No. of routes opened: 34
No. of authorized units: 387
5. UV EXPRESS
No. of routes opened: 76
No. of authorized units: 3,263
6. TAXI
No. of authorized units: 20,927
7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
No. of authorized units: 24,356
8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
No. of routes opened: 12
No. of authorized units: 286
9. MODERN UV Express
No. of routes opened: 2
No. of authorized units: 40
Tinitiyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya. (Daris Jose)
-
DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways
Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024. Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na […]
-
Ads August 20, 2021
-
Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports
PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13). Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal […]