• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

45-day benefit limit, inalis ng PhilHealth

UPANG higit pang pag­husayin ang kanilang serbisyo sa kanilang mga miyembro, inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ipinaiiral nilang 45-day benefit limit.

Sinabi ni PhilHealth president at CEO Edwin Mercado na ang natu­rang 45-day benefit limit ay isa nang ‘outdated cost-containment stra­tegy’ kaya’t nagpasya silang alisin na ito.

Kasabay nito, binigyang-diin din niya ang pangangailangan na ikober ang higit sa 45 araw, para sa ilang kondisyon.

“Naiintindihan natin kung bakit ito (benefit limit) inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” ani Mercado.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Mercado sa PhilHealth Board para sa pag-apruba sa naturang policy update.

Aniya pa, upang matiyak naman ang responsable at epektibong implementasyon ng bagong polisiya, masusing imomonitor ng PhilHealth ang patient admissions, readmissions, at paggamit ng benepisyo na lampas ng 45 days.

Ang health facility­ compliance sa clinical standards at reimbursement rules ay ia-assessed rin sa pamamagitan ng Health Care Providers Performance Assessment System (HCPPAS).

Other News
  • “When the time is right, I the Lord will make it happen” Isaiah 60:22

  • PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.   Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, […]

  • Basas sa PLDT na papalo

    SA PLDT Home Fibr Power Hitters na hahambalos sina Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.     Pumuwersa ang koponan sa pagpasok nina 5-foot-10 opposite spiker Soyud, 5-foot-8 opposite hitter Basas at 5-foot-10 middle blocker Gabarda na mga naging veteran free agent at mga huling naglaro […]