460,000 Overseas Filipino, napauwi na ng DFA dahil sa Covid-19 simula 2020
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 460,000 Overseas Filipino ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas.
Ang mga pinauwing OFWs ay mula sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ang Pilipinas na ibalik ang mga distressed Filipino simula noong 2020.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pumalo na sa 460,383 overseas Filipino ang nakabalik na ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA)-facilitated repatriation program “as of May 31.”
Ang kabuuang repatriated nationals ay kinabibilangan ng 354,382 land-based overseas Filipinos at 106,001 seafarers.
Sa kabilang dako, nagsasagawa naman ang DFA ng “separate round” ng repatriation para sa mga Filipino sa Sri Lanka na apektado ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa foreign country.
“As of May 31,” may kabuuang 25 Filipino, kabilang na ang 9 na menor de edad ang nagpahayag ng intensyon na umuwi ng Pilipinas.
Inaasahan naman na darating ang mga ito sa Pilipinas “either this coming weekend or early next week,” ayon kay Arriola.
Samantala, sa Duterte Legacy Summit, binigyang diin ng DFA ang achievement nito sa pagtatatag ng 8 karagdagang Foreign Service Posts noong 2019 bago ang Covid-19 pandemic, na ‘instrumental’ sa pagtulong na maibalik sa Pilipinas ang mahigit kalahating milyong filipino mula sa iba’t ibang bansa.
“In the face of an unprecedented global health pandemic, the Department continued to serve the needs of our kababayans, contributing to national efforts in facilitating vaccine procurement, securing humanitarian assistance, and bring home displaced overseas Filipinos,” ayon kay Undersecretary Ma. Theresa Lazaro sa nasabing summit. (Daris Jose)
-
‘Agenda’ eere na sa Bilyonaryo News Channel: KORINA, balik sa pagbabalita at ka-tandem si PINKY
SA nakatakdang major television debut ngayong Lunes, September 9, ipinabatid ng Bilyonaryo News Channel ang kanilang lineup para sa anchor desk ng primetime newscast na ‘AGENDA’. Ang programa ay pangungunahan ng mga de-kalibreng broadcast news anchors ng bansa, ang Agenda Setters na sina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb. Naunang inihayag ang makasaysayang pagbabalik […]
-
Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs
Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3. Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley. […]
-
Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern
HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern. Muli niyang hinikayat ang publiko […]