• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

47K OFWs apektado sa deployment ban sa Kuwait

AABOT  sa 47,099 overseas Filipino workers ang maaapektuhan ng suspensyon ng deployment sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

“Nakikita natin na last year for instance mga 47,000 ang OFW kasambahay ang nagtungo sa Kuwait. Sa nakikita natin around that same figure ang potentially sa loob ng isang taon ang maapektuhan,” saad ni Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac.

 

 

Ipinaliwanag ni Cacdac na ang suspensyon ay upang proteksyunan ang mga unang beses na “household service workers (HSWs)” na siyang pinaka-nanganganib sa pang-aabuso at nahihirapan na makapag-adjust sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ng opisyal na mananatili ang suspensyon hanggang hindi natitiyak na kasama sa employment contract ang proteksyon sa mga OFW at tanging mga ahensya na may maayos na track record lang ang makapag-ooperate.

 

 

Sa magaganap na negosasyon para sa bila­teral agreement sa Kuwaiti government, tiniyak ni Cacdac na isusulong nila ang mga reporma.

 

 

Kabilang ang mga ka­rampatang pagsasanay sa mga OFWs lalo na sa mga baguhan maging sa mga employers para maiwasan ang ‘di pagkakaunawaan. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, hinikayat ang Kongreso na gumawa ng national quarantine law

    NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng National Quarantine Law.   Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol.   Sinabi ni Presidential […]

  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]

  • Pagpapaliban ng halalan sa BARMM, mas maraming oras para tugunan ang Sulu exclusion concerns

    ISANG welcome development ang pagpapaliban sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil mabibigyan ng sapat na oras ang gobyerno nito para tugunan ang itinuturing na ‘pressing legal concerns’ ukol sa hindi pagkakasama ng Sulu sa BARMM. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic […]