48 LSIs sa Rizal Stadium may COVID-19
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Umabot na sa 48 na mga locally stranded individuals o LSIs na na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar.
Matatandaan na umabot sa libu-libong mga LSIs ang dumagsa sa stadium upang na layong nakapagparapid test at makauwi na sa kani-kanilang mga rehiyon.
Sa tulong naman ng Hatid Tulong program ay unti-unti na ring naihatid ang mga LSIs sa kanilang mga probinsya katuwang ang Philipine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Asec Joseph Encabo ng Hatid Tulong Program, kabilang sa sasailalim sa decontamination ang buong complex kabilang ang baseball at track stadium.
Sa ngayon ay wala nang mga LSIs sa stadium matapos makaalis na rin ang huling batch na nasa 1,017 kaninang umaga pauwing Zamboanga Peninsula.
Maging ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission na nagtratrabaho sa complex at personnel ng Manila Department of Public Services ay kailangan din munang lisanin ang lugar para sa gagawing sanitation.
Sa ngayon ay naghihintay pa ng resulta ng kanilang mga swab test ang mga nagpositibo sa rapid anti-body test. (Daris Jose)
-
ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY NAG DIDIRIWANG NG IKA-48TH FOUNDING ANNIVERSARY
Ang ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority ay nag didiriwang ng kanilang ika-apat napu’t walong anibersaryo. Bagama’t pandemya ay hindi naman papapigil ang mga AKRHO para ipag diwang ang kanilang anibersaryo. Sa pangunguna ng Valenzuela Skeptron Council 8309 at ang mga officers na sila Chairman Edmar Jimenez, Vice Chairman District 1 […]
-
Babala ng DA: bawang, sibuyas at asin, kulang
SINABI ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakayanin ng local farm output ng bawang, sibuyas at asin na ma-meet ang inaasahang demand hanggang sa huling quarter ng taon. Lumabas kasi sa huling pagtataya ng Department of Agriculture (DA) at attached agencies nito na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau […]
-
Isko at Honey naghanda vs Delta variant
Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito. Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng […]