• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas

Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.

 

 

Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.

 

 

Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.

 

 

“This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow, March 4, 2021, 7:30PM, as part or the first round of allocated doses from the COVAX facility,” pagkumpirma naman ni Presidential Spokesman Harry Roque.

 

 

Matatandaan na  inasahan ng gobyerno ang pagdating ng mahigit sa 500,000 bakuna ng AstraZeneca vaccine nitong Lunes subalit hindi natuloy dahil sa limitadong bakuna.

 

 

Ayon kay Go, nakatanggap ang Malakanyang ng isang liham na nag-aabiso ng pagdating ng bakuna.

 

 

Umaasa naman ang senador na hindi na mauudlot ang pagdating ng bakuna ngayong araw.

 

 

Samantala, tumanggi naman sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III na kumpirmahin ang pagdating ng AstraZeneca vaccines ngayong Huwebes.

 

 

“Dalawang beses na kami nakuryente diyan. Mabuti i-confirm ‘pag may plane nang lumipad from Belgium,” sabi ni Galvez, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

 

 

Samantala, nakatitiyak ang Malacañang na mas tataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan na magpabakuna habang patuloy ang pagd ating ng bakuna sa bansa.

 

 

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, mas dumami ang health workers na nais mabakunahan.

 

 

Ilang pribadong  ospital na rin aniya ang nag-request ng alokasyon ng Sinovac. (Daris Jose)

Other News
  • Approved at taas-kamay sa kanya si Heart: LIZA, nagpakitang gilas sa ‘New York Fashion Week’

      NASA New York Fashion Week ang Filipina actress na si Liza Soberano para sa Spring 2025 show ng American fashion house na Coach.     Ibinahagi ni Liza ang mga larawan ng outfit na isinuot niya sa fashion show, isang golden jacket, yellow lace top at denim jeans, golden heels, at isang black shoulder […]

  • ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan

    Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy.     Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement […]

  • ‘Common understanding’ sa WPS propaganda lang ng Tsina DND, NSC

    ITINANGGI ng Department of National Defense (DND) na may umiiral na kasunduan sa pagitan ng Chinese Government na magko-kompromiso sa soberanya at at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni DND Secretary Gilbert Teodoro ang departamento ay walang kontak sa Chinese government simula pa noong 2023.     “This is […]