5 arestado sa buy bust sa Valenzuela
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega kontra kay Noel Rotairo Jr., 53, sa isang kubo sa Star Apple St. Brgy. Gen. T De Leon.
Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer kay Rotairo ng P300 halaga ng shabu at matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nang kapkapan ni PSSg Gabby Migano, nakuha kay Rotairo ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,000 ang halaga, buy bust money, P270 cash at asul na kipling pouch.
Inaresto din ng mga operatiba si Joshua Brazil, 21, at Domingo Mendoza Jr., 39, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa loob ng kubo at narekober sa kanila ni PCpl Ed Shalom Abiertas ang isang unsealed plastic sachet ng may bahid ng hinihinalang shabu, kandila at ilang drug paraphernalias.
Dakong 10 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU na sina PCpl Jhun Ahmard Arances at PCpl Maverick Jake Perez sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa buy-bust operation sa kahabaan ng Jadevine St. Malinta si Bryan Peña alyas “Boss”, 46.
Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, nakumpiska kay Peña ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, P300 buy bust money, P150 cash, smartphone, coin purse at mountain bike.
Samantala, ayon naman kay PSMS Fortunato Candido, dakong 7:30 kamakalawa ng gabi nang madamba din ng isa pang team ng SDEU na sina PCpl Kenneth Marcos at PCpl Mario Martin si Danilo Ranada, 41, (watch listed) sa buy bust operation sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa kanyang bahay 65 De Galicia St. Brgy. Maysan.
Nasamsam sa kanya ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shahu na tinatayang nasa P47,600.00 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash,cellphone at pouch. (Richard Mesa)
-
Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC
NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7. Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni […]
-
Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno
GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine. Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng Astrazeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility. Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]
-
Pagsailalim sa state of calamity sa buong Luzon, irerekomenda – NDRRMC
Irerekomenda umano ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa state of calamity ang buong rehiyon ng Luzon. Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pulong nitong araw ng Disaster Response Cluster sa Camp Aguinaldo dahil sa tindi ng pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo gaya “Quinta, Rolly at […]