• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 arestado sa shabu sa Caloocan

Limang katao kabilang ang tatlong bebot ang arestado matapos makuhanan ng illegal na droga ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, dakong 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila mga suspek na kinilalang si Mary Jane De Vera, 35, Jessabel Macaraig, 25, at Geeffren Estrada, 30, na nagtatransaksyon umano ng illegal na droga kaya’t nilapitan nila saka inaresto ang tatlo.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,680.00 ang halaga.

 

 

Bandang alas-10:30 naman ng gabi nang masita si Marilyn Raco, 35, at Ferdinand Jao, 53, driver ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa kahabaan ng Evangelista St., Brgy 144 sa pangunguna ni PCpl Raymond Ucag at PCpl Joseph Pastro, kasama ng mga tauhah ng 2nd MFC, RMFB NCRPO na may kaugnayan sa Simultaneous Enhance Managing Police Operation (SEMPO) dahil kapwa walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordinance no. 0862 s 2020.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang presensya ng mga pulis ay tumakbo ang mga ito at tinangkang tumakas subalit hinabol sila hanggang sa magawang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha kay Jao ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga habang nang ipalabas naman kay Raco ang lahat ng laman ng kanyang bulsa ay narekober din sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu na nasa P6,800 din ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021

    BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14.     Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya.     Kabilang ang 30 taong […]

  • Provincial bus operators maghahain ng petisyon para sa fare increase

    MAGHAHAIN  ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).       Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang […]

  • CRISTINE, nanghihinayang na ‘di natanggap ang Best Actress award para sa ‘Untrue’; dadalo na ‘pag may filmfest entry

    NANGHIHINAYANG si Cristine Reyes na hindi na natanggap personal ang Best Actress award which she won for the movie Untrue, na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.     “Hindi naman kasi ako nag-expect na mananalo so when Viva asked me kung gusto kong pumunta sa festival, I turned them down,” kwento ni Cristine sa presscon […]