• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 drug suspects nabingwit sa Navotas buy bust

NALAMBAT ng pulisya ang apat na hinihinalang drug persobalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kina alyas Joden, 30, at alyas Gingging, 42, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanilang ilegal drug activities.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba dakong alas-7:38 ng gabi sa Bangus St., Brgy., NBBS Kaunlaran.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 8.96 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P60,928 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Matangbaka St. Barangay NBBS Dagatdagatan, bandang alas:10:29 ng gabi sina alyas Rendol, 32, at alyas Cabyo, 41.

 

Ani Capt. Sanchez, nasamsam sa kanila ang aabot 5.36 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,448.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Panggulat ang role niya sa ‘Uninvited’: NADINE, pinaghandaan talaga na maka-eksena sina AGA at VILMA

    SA teaser trailer ng ‘Uninvited’, unang ipinakita ang intense na eksena nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.     Na kung saan ay pinagmumura ng premyadong aktres ang aktor na gumaganap na ama bilang Guilly.     Nag-viral ang naturang trailer ng kanyang character na si Nicole.     Kaya sey ni Nadine, “Iba ‘yung […]

  • DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado

    MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs).   Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs […]

  • 10 pm nationwide curfew sa menor-de-edad, isinulong

    MULING inihain sa Kongreso ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera- Dy ang bill na pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad.     Sa ilalim House Bill 1016, layong ipagbawal ang paggala ng mga menor-de-edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.     Ayon kay Herrera-Dy, hindi lamang pagbabawal ito sa mga minors kundi […]