• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 milyong doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa Resbakuna Kids, paparating ngayong buwan – Galvez

INAASAHANG darating ngayong Pebrero ang nasa limang milyong Pfizer vaccine na gagamitin sa mas pinalawig ng pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 na nagsisimula na ngayon at sisimulan na rin sa Region 3 at 4- A.

 

 

Ito ang iniulat ni NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ani Galvez, ang 5 milyong pfizer doses na paparating ngayong Pebrero ay bukod pa sa una ng dumating na 780,000 doses.

 

 

Sa Pebrero 10, paparating pa ang 780,000 doses at isa pang 780,000 doses ang darating naman sa Pebrero 16.

 

 

Habang may panibagong 780,000 doses pa ang susunod na paparating habang sa Pebrero 23 ay darating naman ang 1.6 milyong doses at sa Pebrero 28 naman ay may 2.1 milyon na Pfizer vaccine arrival.

 

 

Sa kabuuan ani Galvez ay papalo sa 5.2 milyong doses ng bakuna ang aasahang darating ngayong buwan ng Pebrero.

Other News
  • P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

    SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.     Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa […]

  • French tennis player Benoit Paire, tinanggal sa US Open matapos magpositibo sa COVID-19

    Tinanggal sa listahan ng US Open player si Benoit Paire ng France matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nakatakda sana nitong makaharap si Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament.   Dahil sa ito ay papalitan siya ni Marcel Granollers ng Spain.   Base sa natanggap na impormasyon ng […]

  • Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM

    SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.       Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]