5 nalambat sa drug buy-bust sa Malabon
- Published on July 7, 2021
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon city.
Ayon kay Malabon police deputy chief PLTCOL Aldrin Thompson, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Kenneth Geronimo ng buy bust operation sa kahabaan ng Borromeo St. Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kay Herby Aquino, 36, at Ricky Operario, 50.
Sinabi ni SDEU investigator PSSg Salvador Laklaken Jr, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 4.51 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P30,600, buy bust money at isang 357 Magnum Smith & Wesson Revolver na kargado ng 3 bala.
Dakong alas-11 naman ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni Malabon police chief Col. Albert Barot sa buy bust operation sa Macopa Road, Brgy. Potrero sina Fortunato Blanco, 30, Raymark Bautista, 30, at Jay-ar Urbano, 21.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 2.05 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940 at P500 buy bust money. (Richard Mesa)