5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kotra kay Arvin Amion alyas Daga, 25 sa kanyang bahay sa Phase 6, Brgy. 178, Camarin Road.
Nang tanggapin ni Amion ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong piraso ng P1,000 boodle money.
Nauna rito, alas-2:45 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano sa buy-bust operation sa Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan, Malabon city si Eduardo Sanchez, 47, (pusher/listed), Nicolo Felongco, 36, (pusher/listed), grab driver, Leo Ponce, 42, at Marlon Sarmiento, 37, (user/listed).
Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, isang cal. 45 psitol na may magazine na kargado ng 3 bala at marked money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 16 piraso ng P500 boodle money. (Richard Mesa)
-
National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak
HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa. Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric […]
-
Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG
IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities. “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]
-
50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon. Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw. “We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. […]