50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon.
Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw.
“We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. To achieve that target we need to, for the remainder of the year, especially when the bulk of the vaccine comes in, give roughly about 250,000 to 300,000 per day,” ani Dizon.
Sinabi rin ni Dizon na inaasahang darating ang maraming bakuna laban sa COVID-19 ngayong taon.
Nauna rito, nagsimula na ang pagbibigay ng bakuna sa mga medical frontliners noong nakaraang linggo matapos dumating sa bansa ang donasyon ng China na gawa ng Sinovac.
Nasa 1.1 milyon doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang dumating na sa bansa kung saan 600,000 doses ay gawa ng Sinovac at nasa 500,000 doses ang mula sa AstraZeneca.
Kinumpirma rin ni Dizon sa Laging Handa public briefing na bukod sa 600,000 doses na Sinovac vaccine, mayroon pang parating na 400,000 dagdag na bakuna.
-
Budget cut sa PGH, inalmahan
PINALAGAN ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala. “Una sa lahat ang unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ibinibigay namin sa mga pasyente,” ayon kay ALL UP Workers […]
-
Ads September 8, 2022
-
DICT, tinitingnan, pinag-aaralan ang partnership sa PPP, LGU para ipatupad ang nat’l broadband program
TINITINGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang public-private partnerships (PPP) at koordinasyon sa local government units (LGUs) para mapabilis ang implementasyon ng National Broadband Program (NBP) ng gobyerno. “We are exploring possibilities of PPPs with the private sector and also looking at partnering with the LGUs po in deploying some […]