50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.
Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tinalakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.
Puna pa ng kalihim, naunang pinalampas ng gobyerno ang pagkuha ng Pfizer sumunod ang Moderna at ngayon naman ay ang heringgilya.
“We dropped the ball again; this time offer of 50 million syringes. Discussed the need in Washington DC and got a response prepared to go into details with PH agencies but they refused to discuss the ball let alone catch it. First Pfizer, then Moderna. Ok, I see the pattern,” sinabi pa Locsin sa kaniyang Twitter account.
Sa komento naman ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na dapat ay nakinig ang gobyerno kay Locsin kahit na hindi nila na appreciate ang efforts nito.
Sa tugon naman ni Locsin, sinabi nito na hindi siya umaasa pa na may makikinig sa kanya, subalit alam na niya ngayon na hindi na siya dapat mag-aksya ng oras at hiyain pa ang sarili.
-
4 tulak ng marijuana, tiklo sa Malabon, Navotas drug bust
TIMBOG ang apat na hinihinalang tulak ng marijuana matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at Navotas Cities. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina […]
-
Matapos maglahad ng kanilang damdamin tungkol kay TONI: Matatapang na reaksyon nina DIONNE at DAWN, pinupuri ng netizens
ANG mga dating Pinoy Big Brother Housemates na sina Dionne Monsanto at Dawn Chang ay hind puwedeng bansagang the WHO times dahil biglang silang naging relevant matapos ilahad ang kanilang damdamin tungkol sa former PBB house na si Toni Gonzaga. Isang Mala-Maleficent ang impakta paghalakhak ni Monsanto sa opisyal na pahayag ni Gonzaga at […]
-
DSWD, nagpadala ng mas maraming ‘food packs’ sa Negros Island sakali’t mag-alboroto at pumutok ang Bulkang Kanlaon
IPINAG-UTOS ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng mas maraming food packs sa Negros Island para sa inaasahang pagputok ng Bulkang Kanlaon, huling sumabog noong nakaraang Disyembre at nananatiling nasa Alert Level 3. Sinabi ng DSWD na tiniyak ni Gatchalian […]