50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.
Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), Cebu, at Imus (Cavite) dahil sa mataas na ‘attack rates’.
Tinatayang nasa 7.98 milyong indibidwal ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito na nangangailangan ng 15.96 milyong doses.
“In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas,” ayon sa OCTA.
Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ngayong taon ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas.
Muling ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-abot sa ‘herd immunity’ ay isang ‘long term goal’ at nakadepende talaga sa pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna sa bansa. (Daris Jose)
-
Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso
HINDI umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]
-
Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap
AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante. May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano. May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair. Kumbaga, lipas na raw at lumang […]
-
Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases
Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19. Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US. Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun […]