50 percent ng target population sa NCR fully vaccinated na vs COVID-19 – MMC
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot na sa 50 percent ng eligible population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Metro Manila Council and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Nasa 70 percent naman ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.
Tuloy-tuloy pa rin aniya ang kanilang pagbabakuna gamit ang 4 million COVID-19 vaccine doses na ibinigay ng national government.
Sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro Manila mula noong Agosto 6 hanggang ngayong Agosto 20, sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na 3.2 million vaccine doses ang naiturok sa rehiyon. (Daris Jose)
-
P14.3-B na benepisyo ng mga health workers naibigay na ng DOH
Naipamahagi na ng Department of Health ang P14.3 bilyon na halaga ng benepisyo ng mga public at private health workers. Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, na minarapat na ibigay ang nasabing mga benepisyo ng mga medical frontliners. Hanggang aniya sa susunod na taon ay magkakaroon aniya ng benepisyo ang […]
-
SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin
BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP). Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. […]
-
Ads February 12, 2021