50% population protection sapat para simulan ang pagbabakuna ssa ma kabataan- Galvez
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at
Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na sapat na ang 50-percent population protection para simulan ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17.
Ani Galvez, winelcome ang pinakabagong shipment ng 3 milyong doses ng government-procured Sinovac vaccines sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, na sa oras na nakamit na ang “saturation point” ng inoculation drive para sa priority sectors, ang pagbabakuna sa mas batang age group ay maaari nang simulan.
“We will present in the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) on how we would really look at the possibility as to when are we going to vaccinate our pre-adolescents and if we see that we get the sizeable threshold of more or less 50 percent of our population, we can start vaccinating them,” ayon kay Galvez sa isang panayam.
Matatandaang, ipinanukala ni Galvez ang pagbabakuna sa mga kabataan sa kalagitnaan ng Oktubre.
Prayoridad ani Galvez ang mga menor de edad na may comorbidities at mga anak ng health care workers.
Maaaring makapagbakuna ang pamahalaan ng 12 milyong kabataan sa pagdating ng 20 milyong doses sa unang linggo ng Oktubre.
Samantala, tinatayang may kabuuang 69,699,340 doses na vaccine stockpile ang Pilipinas habang 43,815,426 doses naman ang naiturok na sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19
Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi. Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung […]
-
CATRIONA, nai-record na ng ‘Bagani’ na gagamitin sa unveiling ng Metropolitan Theater ng NCAA
PAGKATAPOS ng kanyang 14-day quarantine, hinarap agad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang recording session. Post ni Queen Cat on Instagram: “First day out of quarantine went something like.” Si Jungee Marcelo ang kanyang music producer at and nire-record na awit ni Catriona ay ang song na “Bagani” na […]
-
Masaya sa tinatakbo ng career ni Dolly: JAKE, gumagawa na rin ng ingay sa Hollywood
NAG-CELEBRATE ng kauna-unahang drag journey anniversary ang Drag Race Philippines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole. Isang thanksgiving show ang hinandog ni Precious na may title na “Precious Journey-versary” sa Empty Stomach noong nakaraang linggo. On Instagram, pinost ni Precious ang ilang unforgettable moments ng gabing iyon. […]