• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas

DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.

 

Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft.

 

Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa noong Marso.

 

Bago pa dumating ang first batch ng bakunang binili ng bansa ay nakatanggap na ang Pilipinas ng isang milyong doeses ng Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government, at 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa global aid initiative COVAX Facility.

 

Nito lamang nakaraang linggo, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna sa mga senior citizens gamit ang Sinovac vaccine  sa gitna ng kakapusan ng vaccine supply.

 

Isang araw matapos ito, sinuspinde ng Pilipinas ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga indibidwal na mas bata sa 60 taong gulang kasunod ng balitang blood clots na mayroong low platelet counts sa ilang recipients sa ibang bansa.

 

Bago pa ito, hindi naman inirekomenda ng FDA na ipagamit ang Sinovac para sa mga senior citizens, sinasabing kailangan ng mas maraming data para patunayan na ligtas at epektibo ito sa mga matatanda.

 

Ayon naman kay COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon, subalit may ilang ahensiya ang nagpahayag ng pagdududa na ito’y maisasakatuparan. (Daris Jose)

Other News
  • 11 TULAK, NAARESTO SA DALAWANG DRUG DEN, P206,638K NASAMSAM

    TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng labing-isa  na hinihinalang tulak sa magkasunod na buy-bust operation at pagkalansag sa dalawang drug den sa Bacoor City, Cavite.     Kinilala ang mga suspek na si Maila Vasquez y Pagtakhan ( co-maintainer ng drug den)28; Jonathan Francisco y Ecle, 27;  Ariel […]

  • Sinovac, kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca at iba pang Covid-19 vaccines

    LABIS na ikinatuwa ni National Task Force o NTF against Covid-19 consultant Dr. Ted Herbosa ang ulat na kasama na rin ang Sinovac sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).   Sa Laging Handa briefing public briefing ay sinabi ni Herbosa na, malaking bagay na kabilang ang SInovac sa EUL ng WHO na […]

  • PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE

    BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.   “It is for this reason that the PSC, for the longest time, […]