500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.
“So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol namin na magkaroon tayo ng 500,000 to 1 million per week.
Sa ngayon, medyo mabagal tayo dahil kasi po ang ating binabakunahan ay mga healthcare workers, at talagang ang ginagawa natin pine-phase natin talaga dahil kasi iniingatan po natin na mabakante ang mga hospital lalo na ngayon na umaangat po ang ating mga kaso,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Tatlo aniya ang pagkukunan ng pamahalaan na mga bakuna para sa ikalawang bahagi ng 2021na pawang manggagaling sa Sinovac, Gamaleya at COVAX.
Tinatayang aabot aniya sa 11.5 million doses ang inaasahan nila para sa April deliveries habang may paparating pang bakuna sa susunod na linggo na isang milyong doses na binili sa Sinovac bukod pa sa 4 na raang libong donasyon nito sa bansa.
“Iyong sa second quarter delivery natin, ‘yong tatlo ang pagkukunan po natin: ‘yong Sinovac, Gamaleya at saka COVAX.
Dahil nagkaroon na ng EUA ang ano, Emergency Use Authorization ang Gamaleya, puwede na tayong bumili . And then ‘yong Sinovac, March 29, ay 1 million ang atin matatanggap. Ito ‘yong nabili natin na ide-deploy nila at kukunin ng Philippine Airlines in two shuttles this coming ano March 29 po,” anito.
Sa kabuuan aniya ay umabot sa 2. 379 million doses ang parating na bakuna para sa 1st quarter.
“So ang total doses na darating ngayong ano ngayong first quarter is 2.379 million doses. At sa ngayon po mayroon na po tayong activated na 1,523 na vaccination site. Sa April deliveries naman po, magkakaroon tayo ng more or less 11.5 million doses,” ang pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
Ads December 13, 2022
-
PDU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Morales
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. “Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong […]
-
TANGGAPAN NG IMMIGRATION SA INTRAMUROS, SARADO NG LUNES AT MARTES
SARADO ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros Manila kahapon (Lunes) at ngayon (Martes) upang bigyang daan ang pagdi-disinfect sa buong gusali kasunod ng biglaang pagtaas ng kaso ng Covid 19 sa Metro Manila. Sa kanilang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang lahat ng transaksiyon sa kanilang […]