53 lugar sa Pinas nasa COVID-19 alert level 4
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 53 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 4 ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso na nahahawa ng virus at pagtaas din ng healthcare utilization rate.
Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na ang isang lugar ay klasipikado sa moderate-to-critical-risk at ang healthcare utilization rate nito ay mas mataas sa 70%.
Ito’y makaraang makapagtala ang Pilipinas ng daily average na 10,459 kaso mula Agosto 6 hanggang 12 na higit na mas mataas sa 7,987 daily average ng sinundang linggo.
Sa Metro Manila, nasa Alert Level 4 ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.
“The National Capital Region maintains positive two-week growth rate and a high-risk average daily attack rate (ADAR) and is currently at high-risk case classification,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nasa Alert Level 4 din ang Apayao, Baguio City, Benguet, Dagupan City, Ilocos Norte, Cagayan, Quirino, Angeles City, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Olongapo City, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, Rizal, Naga City at Masbate.
Kasama rin ang Aklan, Antique, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Siquijor, Ormoc City, Tacloban City, Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Oriental, Cotabato (North Cotabato), General Santos City, South Cotabato at Agusan del Sur.
-
Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine
WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines. “Dini-distribute natin ang ating mga vaccine […]
-
P1M pabuya ukol sa misteryosong ‘Mary Grace Piattos’
NAG-ALOK ang ilang lider ng Kamara ng P1 milyong pabuya para sa impormasyon sa isang “Mary Grace Piattos,” na siyang lumitaw na pangalan sa kahina-hinalang liquidation documents kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong government funds ni Vice President Sara Duterte. “Kami sa Blue Ribbon Committee at Quad Committee, aming binibigyan ng importansya […]
-
Tsina, itinanggi na hina-harass ang Pinas
MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig. “There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” […]