• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak

Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.

 

 

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown.

 

 

Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

 

 

Siniguro ng QC LGU na mamahagi sila ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

 

 

Ang mga ito ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

 

 

Batay sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) ang siyudad ay mayruong 13,252 active cases mula sa 150,740 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod na ngayon ay pinagtutuunan ng pansin.

 

 

Ayon sa CESU nasa 90.3% o 136,104 na ang gumaling sa Covid-19 infection.

 

 

Batay naman sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield nasa 59 barangays sa NCR ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan karamihan dito ay sa Quezon City na mayruong 32 barangays.

 

 

Tanging ang area ng Manila Police District (MPD) ang walang naitalang barangays na isinailalim sa granular lockdown.

 

 

Agad naman na nagpaabot ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Office of the City Mayor para sa Missionary Sisters Servant of the Holy Spirit sa Barangay Immaculate Concepcion at Religious of the Virgin Mary sa Barangay Kaunlaran.

 

 

Saku-sakong bigas, canned goods, vitamins,toiletries, alcohol at facemasks ang binigay para sa mga residents ng nasabing kumbento ng mga madre.

 

 

Sa kabuuan, mahigit 100 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa dalawang kumbento at may isa namang pumanaw.

 

 

Sa ngayon isinailalim na rin sa Special Concern Lockdown ang dalawang kumbento para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Other News
  • Internet service sa bansa, malayo pa sa pagiging world class

    MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa   Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telcos para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente.   Ayon kay  Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang naging improvement ng mga higanteng kumpanya […]

  • Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista

    KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6.     Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit […]

  • Watch how comedy adventure “IF,” starring Ryan Reynolds and directed by John Krasinski, creates a world you have to believe to see

    WRITER and director John Krasinski (A Quiet Place movies) has had IF brewing in his mind for years, and his comedy adventure film dream has now become a reality. “I had the idea for this movie about seven years ago,” says Krasinski. “I wanted to do a movie about imaginary friends called IFs.”     […]