• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara

MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”.

 

 

“Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko ba ‘yun? Hindi,” ang pahayag ni VP Sara.

 

“Kasi kung alam mo naman na may kakulangan ka, bibilisan mo yung gagawin mo para mag-catch up. Hindi ka naman uupo lang doon,” ang dagdag na wika nito.

 

Kung maalala nagsanib pwersa sina Pang. Marcos at VP Sara nuong nakaraang 2022 Presidential elections sa ilalim na Unity Team.

 

Sa unang dalawang taon naging maganda ang relasyon ng dalawa subalit pagpasok ng ikatlong taon ay unti-unti ng nagkakalamat hanggang sa nuong buwan ng Hunyo ay nagbitiw sa pwesto bilang DepEd Secretary si VP Sara.

 

Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na hindi sila magka-ibigan ni Pang. Marcos dahil nagkakilala lamang sila nuong kasagsagan na ng kampanya kaya hindi niya ito kilala.

 

Aniya ang kanyang kaibigan ay si Senator Imee Marcos.

 

 

Sinabi ni VP Sara na huli silang nagkausap ni Pang. Marcos noong magtungo siya sa Malakanyang at ibigay ang kaniyang resignation bilang kalihim ng Department of Education (DepED). (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas drug bust

    APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 60-anyos na lolo ang nabitag sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas Cities.     Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsagawa […]

  • Ads October 14, 2021

  • Pagpahintulot ng DFA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

    Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.     Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara […]