• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

55 websites, ipinasara ng United States dahil sa illegal live streaming ng FIFA World Cup

LIMAMPU’T limang website ang nasamsam ng US Justice Department para sa ilegal na live-streaming na mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.

 

 

Ayon sa pahayag ng departamento, ang mga website ay isinara matapos matukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginagamit upang ipamahagi ang nilalamang lumalabag sa copyright nang walang pahintulot ng soccer world governing body.

 

 

Ang FIFA lang kasi ay may hawak ng mga eksklusibong mga karapatan sa World Cup, na sa ngayon ay umabot na sa semi-final stage ng mga laban.

 

 

Dagdag dito, bagama’t marami umano ang maaaring naniniwala na ang mga naturang website ay hindi bumubuo ng mga seryosong banta, ang paglabag sa mga may hawak ng mga karapatan ng anumang intelektwal na ari-arian ng FIFA ay isang lumalagong banta sa kakayahan nilang pang-ekonomiya.

 

 

Una rito, hindi tinukoy ng US Justice Department ang mga nasamsam na website ngunit sinabing ang mga bisita sa mga site ay ire-redirect sa ibang site para sa karagdagang impormasyon ng biggest sporting event sa buong mundo. (CARD)

Other News
  • Pangako ni PBBM: Pinas, walang isusuko na kahit isang pulgada sa teritoryo nito

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang isusuko na  kahit na isang pulgada ang Pilipinas sa teritoryo nito sa gitna ng kasalukuyang  geopolitical tension.     Sa katunayan, nangako ang Pangulo na makikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa para masiguro ang kaligtasan ng mga  Filipino.     “The country has seen heightened geopolitical tensions that […]

  • MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN

    NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa  health at  safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.   Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat […]

  • APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC

    TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30.     Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa  Mayo 2022.     Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga […]