59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.
Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular 72-2023 na nagsasaad ng exemption sa VAT sa ilang gamot sa naturang mga karamdaman.
Ang hakbang ay alinsunod naman sa talaan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at RA 11534 (CREATE Act).
Sinabi ni Lumagui na ang hakbang ay magpapagaan sa gastusin ng mga mamamayan na mayroong naturang mga sakit.
Ipinagmalaki ni Lumagui na ang BIR ay isang ahensiya ng pamahalaan na hindi goal-oriented pero service-oriented. (Ara Romero)
-
Sa pagtanggap na maging host ng revamped ‘Eat… Bulaga!’… ISKO, nagpasintabi kina TITO, VIC at JOEY bilang pagrespeto
SA Marites University na nagpaunlak ng kanyang unang interview si Yorme Isko Moreno simula nang siya ay maging regular host na ng revamped ‘Eat…Bulaga!’ Sinagot naman ni Yorme ang halos lahat ng tanong na ibinato namin sa kanya. At malinaw rin na nailahad niya na Tuesday last week, after sa unang araw […]
-
Ads December 9, 2021
-
Ads December 24, 2020