59 milyong botante nakapagparehistro na
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Umabot na sa 59 milyong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa May 9, 2022 national and local elections.
Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago sumapit ang deadline sa itinakda nilang registration period sa Setyembre 30, 2021.
Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa nila ng satellite registration upang mas marami pa silang botante na maitala.
Target din nilang makapagdagdag pa ng mas maraming satellite registration para sa Metro Manila ngunit limitado ito dahil sa istriktong standards na itinatakda nila at ng Inter-Agency Task Force on pandemic response.
Aniya, ang mga lugar kung saan maglalagay ng satellite registration ay dapat na may zero COVID-19 cases sa nakalipas na 14-araw bago ang itatakdang pagrerehistro doon, kaya’t nahihirapan silang maghanap ng mga lugar na paglalagyan nito.
Samantala, inianunsiyo na rin ni Jimenez na ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa eleksiyon ay magsisimula matapos ang voter registration period o mula Oktubre 1 hanggang 8.
Ang campaign period naman ay magsisimula sa Pebrero 8, 2021 para sa national position at Marso 25 para sa local position.
-
PPCRV, nangangailangan ng volunteers para sa Eleksiyon 2025
NANGANGAILANGAN ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mas maraming volunteers upang makatulong nila sa isasagawang pagbabantay sa May 12, 2025 National ang Local Elections (NLE). Ayon kay PPCRV national coordinator Arwin Serrano, sa ngayon ay mayroon na silang 350,000 volunteers na nagpahayag ng kahandaang tumulong sa halalan. Gayunman, kailangan pa aniya nila ng […]
-
‘Alyansa’ kukumpletuhin mga campaign kickoff sa engrandeng rally sa Pasay City
SUSUGOD na ang administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Metro Manila tampok ang napakalaking rally sa Pasay City sa Martes, Pebrero 18, para kumpletuhin ang mga serye ng campaign kickoffs bago ilunsad ang full blast na pangangampanya sa mga darating na araw para sa 2025 midterm elections sa Mayo. Magsisilbing venue ang 12,000-capacity Cuneta Astrodome […]
-
Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA
SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA. Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista. “Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty. “Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. […]