• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.

 

 

Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na magta-trabaho sa loob ng 30 araw pero ang nais ng mga local government units ay patagalin ito sa 90 araw kaya nasa 5,000 na lamang ang kanilang makukuha.

 

 

Sabi ni Trayvilla, mas mabuting ang mga residente ng isang LGU ang kuning contact tracers na hahanap ng mga nakasalamuha ng isang may COVID-19.

 

 

Magiging “conduit” lang aniya ang Public Employmeny Service Office kung saan maaaring magpasa ng requirements ang mga nais maging contact tracers.

 

 

Magiging online naman aniya ang tranings ng mga kukuning contact tracers sa online classroom ng Department of Interior and Local Government.

Other News
  • Klase sa public schools sa Agosto 29 na

    PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.     Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023.     Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda […]

  • Modernisasyon sa DOH, target ni Health Sec. Herbosa ngayong 2024

    TINATARGET ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024.     Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa ngayon ay binabalangkas na ng mga opisyal ng kanilang kagawan ang mga plano nito para gawing moderno ang DOH.     Ito ay alinsunod pa rin sa layunin […]

  • SB19 fans, puwede nang mag-refund: REGINE, inaming na-disappoint na ‘di matutuloy ang guesting ni STELL

    “WELL I’m a little disappointed but…….. see you guys,” ito ang Instagram post ni Asia’s Songbird Regine-Alcasid last Wednesday dahil sa isang nakaka-sad na balita. Hindi na kasi matutuloy ang guesting ng SB19 member na si Stell Ajero sa series of Valentine concert na “RESET” na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati […]