6 arestado sa droga sa Valenzuela
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Bagsak sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong 1:40 ng Miyerkules ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa No. 4573 Sampaloc St., Santolan Rd. Gen T De Leon.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Jaycee Morales, 35, matapos bentahan umano ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Welly Pepito,40, matapos makuhanan ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P34,000.00, buy bust money, P500 cash, 2 cellphones at maliit na silver box.
Samantala, bandang alas-2:30 naman ng Huwebes ng madaling araw nang maaktuhan ng mga operatiba ng SDEU na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa Area 4 Pinalagad, Brgy., Malinta, sina Christopher Garcia, alyas “Tsong”, 47, Rodelio Mamerto alyas “Botchok”, 45, Anne Navarra, 36, at Catherine Sevilla, alyas “Taneng”, 37, sa isinagawang validation ng mga pulis hinggil sa napaulat na pot session sa naturang lugar.
Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nasamsam sa mga suspek ang tinayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value P34,000, cellphone, P200 cash at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)
-
Guidelines, inilabas ng QC gov’t para sa mga magtatayo ng community pantry
Kasunod na rin ng pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin, naglabas kaagad ang Quezon City government ng kanilang guidelines para sa pagtatayo ng mga community pantries sa lungsod. Ito ay para matiyak na nasusunod ang mga health protocols at mapanatili ang peace and order […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DENR na i-assess ang oil spill … Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng isang oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan. Sa isang situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na […]
-
P9.8 milyong droga naharang sa NAIA
NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]