• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong

Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pa­ngilinan.

 

 

Layon ng “Health Wor­kers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may direktang contact sa mga taong may sakit tuwing may public health emergencies.

 

 

Layon ng panukala na magbigay ng buwanang Special Risk Allowance sa kabuuan ng State of National Emergency at Active Hazard Duty Pay na hiwalay sa hazard pay na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act No. 7305 o the Magna Carta of Public Health Workers.

 

Ang Active Hazard Duty Pay ay katumbas ng 25 porsiyento ng arawang sahod ng healthcare worker batay sa bilang ng araw na sila’y nagreport sa trabaho.

 

 

Kabilang sa iba pang benepisyo ay ang libreng gastusin sa pagpapagamot kapag nahawa o nagtamo ng pinsalang may kinalaman sa trabaho ang health worker, bayad sa mga mahahawa habang naka-duty; libreng life insurance, transportation at pagkain; at supply ng Personal Protective Equipments at libreng at regular na health testing.

 

 

Ang kompensasyon kapag nagkasakit ay mula P15,000 kapag mild o mo­derate ang karamdaman, P100,000 kapag malala o kritikal at P1 milyon kapag pumanaw ang health worker.

Other News
  • Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH

    ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.     Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.     Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan […]

  • PH football team makakaharap ang Vietnam sa SEA Games

    MAY nakikitang pag-asa si Under-23 Philippine football coach Norman Fegidero matapos na maisama sa grupo ang defendin champion na Vietnam para sa 30th Southeast Asian Game sa darating Mayo sa Hanoi, Vietnam.     Sinabi nito na unang makakaharap nila ang Timor Leste.     Wala aniyang gaanong pagbabago dahil sa hindi naman aniya sila […]

  • Womens’ volleyball team ng bansa nakalasap muli ng pagkatalo sa AVC Cup for Women

    NAKALASAP  muli ang national women’s volleyball team ng bansa laban sa China sa nagpapatuly AVC Cup for Women.     Sa simula ay nakipagsabayan pa ang mga manlalaro ng bansa subalit ginamit ng China ang kanilang tangkad.     Dahil dito ay nakuha ng China ang 25-16, 25-22 at 25-20 na panalo.     Pinangunahan […]