• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa 36 Batimana, Brgy. Marulas.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Jonathan Ebacuado alyas “Ethan”, 29, matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba sina Rolando Timan, 46, tricycle driver at Ericson Aguvida, 32 matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Umaabot lahat sa 5 grams ng hinihinalahg shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga ang narekober sa mga suspek, buy bust money, cellphone at P600 cash.

 

 

Nauna rito, alas-12 ng madaling araw nang masunggaban din ng kabilang team ng SDEU sina Jephril Alba, 43, Romulo Deleon, 33, at John Christopher Angulo, 32, sa isinagawang buy bust operation sa 384 S. De Guzman St., Brgy. Parada.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy bust money, cellphone at P800 cash. (Richard Mesa)

Other News
  • P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President, inubos sa loob ng 11 araw – Quimbo

    GINASTOS ng Office of the Vice President (OVP) ang P125 milyong confidential fund (CF) nito sa loob lang ng 11 araw at hindi 19 araw.     Ito ang isiniwalat kahapon ni House Committee on Appropriations vice chairperson at Marikina City Rep. 2nd District Rep. Stella Quimbo, base sa impormasyon sa mga dokumentong ibinigay sa […]

  • KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY

    NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.     Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng […]

  • Posible kayang maging ninang nila ni Cong. Jay?: AIKO, kilig na kilig sa pagdating ni VP SARA sa party niya

    KILIG na kilig si Councilor Aiko Melendez sa pagdating sa party niya ng Bise-Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte.     Nag-fangirling si Aiko dahil idolo niya si Inday Sara na nagpaunlak na dumalo sa Super Sam sa imbitasyon mismo ni Aiko.     Nag-speech si Inday Sara para kay Aiko ng pagpapasalamat sa […]