6 Para athletes may tsansa sa unang Paralympic gold—Agustin
- Published on August 23, 2021
- by @peoplesbalita
Kahit sino sa anim na national para athletes ay may pag-asang makamit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paralympics sa Tokyo, Japan.
Ito ang paniniwala ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin kina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter Achele Guion.
“Itong anim po, ito po iyong ating mga magigiting at handang lumaban, matatapang at hindi basta-basta sumusuko sa anumang laban,” ani Agustin.
“Sila po ang iniidolo ng ating mga may kapansanan na mga kababayan. Mayroon din silang kakayahan na magbigay ng karangalan sa ating bansa.”
Sasabak sina Gawilan, Bejino, Ganapin, Mangliwan, Aceveda at Guion sa Tokyo Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.
Magtutungo ang delegasyon sa Japanese capital ngayong araw.
Hindi pa nagwawagi ang Pinas ng Paralympics gold sapul nang sumali noong 1988 sa Seoul, Korea.
Ang pag-angkin ni national weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng bansa ang nagsisilbing inspirasyon ng anim na Paralympians.
-
RABIYA, nambulabog na naman sa pinost na maiksing buhok at may nag-akalang si ‘Liza Soberano’
NAGING usap-usapan nga noong Lunes sa social media ang pinost ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kung saan nag-selfie na may maiksing buhok na ayon sa netizens ay bumagay naman sa kanya. Ginulat nga ni Rabiya ang kanyang 1.7 million IG followers, marami nga ang biglang naniniwala at napa-wow sa kanyang […]
-
China, tinutulan ang Philippine-US defense treaty review –Lorenzana
ISINIWALAT ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tutol ang China sa planong repasuhin o rebyuhin ang 70-year-old defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito kasi ang nagbibigkis sa Estados Unidos na ipagtanggol ang Maynila mula sa pananalakay kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea. ‘While the US welcomes the idea […]
-
Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect
PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect. Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya […]