6 robbery gang members napatay sa engkwentro vs PNP sa Rizal province
- Published on October 16, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang anim na miyembro ng isang notorious holdup robbery group sa engkwentro laban sa mga pulis kaninang madaling araw sa may Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Col. Joey Arandia, hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABRZON, Metro Manila at maging Central Luzon.
Ang mga ito ay dati na umanong minamanmanan ng HPG at Rizal PNP ang mga suspek.
Sinabi ni Arandia, nakatanggap sila ng intelligence information na magsasagawa ang grupo ng serye ng robbery holdup sa mga maliit na establisyemento sa Rizal.
Dahil dito, agad inalerto ang mga pulis Antipolo at nakabantay sa posibleng pag-atake ng grupo.
Sa official report, ala-1:30 ng madaling araw nang mamatyagan ng HPG Limbas mobile team ang apat na suspek na sakay ng Sedan at dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Tangka umano ng mga ito na mangholdap sa Boso-boso Shell gasoline station.
Pinapatukan ng mga suspek ang mga pulis at tumakas papunta ng direksyon pa Baras, Rizal.
Hinabol sila ng HPG at na-monitor ng Antipolo Police ang insidente kaya naglagay ng road block sa Marcos Highway.
Nakorner sila ng mga pulis at umano’y pinasuko.
Pero sa halip na sumuko ay nanlaban pa raw ang mga suspek.
Dito na nasawi ang anim na suspeks habang isang pulis naman ang tinamaan ng bala pero ligtas na ang kalagayan dahil nakasuot ng bullet vest.
Sa ngayon patuloy pang tinutukoy ng PNP ang pagkakakilanlan ng anim na mga nasawing suspek.
Narekober naman ng PNP ang anim na baril na ginamit ng mga suspeks.
Pasado alas-7:00 na kaninang umaga ng maialis ang cadaver ng mga suspeks sa kalsada at isinakay sa ambulansya.
-
Ana Patricia Non nakatanggap ng Ambassador’s Woman of Courage Award mula US Embassy
GINAWARAN ng Unites States Embassy sa Manila ng Ambassador’s Woman of Courage Award ang maginhawa Community Pantry organizer na si Ana Patricia Non. Iginawad ni Chargé d’Affaires Heather Variava ang naturang award na kumikilala kay Non sa kaniyang inisyatibo na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magtulungan sa kasagsagan ng lockdown dahil […]
-
DA at DoJ, sanib-puwersa sa paglikha ng “green jobs” para sa PDL
SANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture at Department of Justice sa paglikha ng ” sustainable green jobs” para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o mga preso. Nauna nang sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensiya para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for […]
-
42 partylist, delisted sa 2025 Midterm Elections – Comelec
INALIS ng Commission on Elections (Comelec) ang 42 partylist groups dahil sa kabiguang manalo sa nakalipas na mga halalan at ang iba naman ay dahil sa hindi paglahok sa nakalipas na eleksyon. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bahagi ito ng paglilinis nila sa listahan na bahagi ng kanilang obligasyon sa ilalim […]