• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 sangkot sa droga kulong sa P183-K shabu

KULONG ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Norbert Pereira, 33, Jhoemy Galvez, 33, Samuel Checa, 42, pawang ng Brgy. Marulas, Valenzuela city, Saturnino Longcob Jr., 24, Anthony Castillo, 39 at Ariel Christian Ferrer, 23, pawang ng Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PMsg. Randy Billedo, alas-4:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon city.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng nasa 27 gramo ng shabu na tinatayang nasa P183,600.00 ang halaga, at P500 buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Diablox’ pumiyok, tumugma na nasa likod ng pag-hack sa mga gov’t websites

    TUMUGA ang isang indibiduwal at umamin na responsable sa kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang  government websites.      Sa isang recorded video message na naka-post sa  X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang  ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack.     Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant […]

  • Rep. Teves, iniimbestigahan na sa Degamo slay

    ISINASAMA na sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.     Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa isang panayam ang posib­leng pagkakasangkot ng mambabatas.     “We are […]

  • PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector

    DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang  healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon.     Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]